Mahigit 437,000 na OFWs naasistihan sa ilalim ng Hatid-Tulong Program ng pamaalaan
Umabot na sa mahigit 437,000 na umuwing Overseas Filipinos ang naasistihan ng pamahalaan sa ilalim ng Hatid-Tulong Program ng Department of Transportation at National Task Force for COVID-19.
Sa ilalim ng nasabing programa ay tinutulungan ang mga OFs na makauwi sa kanilang mga lalawigan mula Metro Manila.
Sa datos ng DOTr, hanggang February 6, 2021, ang āHatid-Tulong Program’ ay nakapagpauwi na ng 437,627 OFWs.
Sa nasabing bilang, 133,721 ang ibinyahe by land mula May 25, 2020 hanggang February 5); 228,457 ang bumiyahe sa pamamagitan ng eroplano mula May 25, 2020 hanggang February 6, 2021; at 75,449 ang bumiyahe sakay ng barko mula April 27, 2020 hanggang February 2, 2021.