Mahigit 432,000 na bakuna kontra COVID-19 naiturok na sa mga residente ng QC
Umabot na sa mahigit 432,000 ang bilang ng mga bakuna na naiturok sa mga mamamayan ng Quezon City.
Ayon sa update mula sa QC LGU, 334,211 ang tumanggap ng first dose.
19.66 percent ito ng 1.7 million na target population para maabot ang herd immunity.
Samantala, sa nasabing bilang, 98,422 naman ang tumanggap na ng second dose.
Sa nga nais na magpabakuna, maaring magparehistro sa eZConsult https://tinyurl.com/ezconsultregistration o makipag-ugnayan sa inyong barangay para sa assisted booking https://tinyurl.com/brgyassistedbooking