Mahigit 300,000 na OFWs ligtas na nakauwi sa kanilang pamilya
Inanunsyo ng Department of Labor and Employment na umaabot na sa 320,000 na overseas Filipino workers o OFWs ang ligtas na napauwi ng pamahalaan sa kanilang mga tahanan.
Sa pinakahuling report ng Overseas Workers Welfare Administration kay
Labor Secretary Silvestre Bello III, 319,333 OFWs ang naihatid ng gobyerno sa kanilang mga lalawigan matapos na magnegatibo sa negatibo sa isinagawang pagsusuri hinggil sa corona virus disease o covid 19.
Ayon pa sa OWWA report na ngayong buwan lamang ay 38,516 OFWs ang nakauwi sa pamamagitan ng eroplano at mga bus.
Dinagdag din ng kalihim na OWWA ang gumastos sa hotel accommodation at mga pagkain ng OFWs habang inaantabayanan ang resulta ng COVID test na isinagawa nang makalapag sila sa arrival area ng NAIA at sila na rin ang nag-asikaso upang makauwi sa kanilang mga probinsiya ang mga ligtas sa covid disease.
Kasabay nito ay inanunsiyo rin ng kalihim na patuloy ang pagmonitor ng foreign post ng DOLE sa mga OFW na tinatamaan ng covid disease
Sa report ng Philippine Overseas Labor Offices, malaking bilang ng OFWs na tinamaan ng covid ang agad na gumaling.
Mayroon aniyang 111 na Filipinos sa Israel ang dinapuan ng covid ngunit 103 ang gumaling; wala namang casualty sa 3,577 na OFWs na nagkasakit ng covid sa Qatar.
Sa mga Filipino sa Europe, 108 ang nakarekober saSpain; walo sa France; lima sa Portugal; at anim sa Andorra.
Mayroon ding 82 na gumaling sa Germany, habang patuloy pa na nagpapagaling ang iba pa.
Gumaling na rin ang pitong Filipino na nagka-covid sa Belgium habang tig-isa sa The Netherlands at Luxembourg.
Sa Russia, 29 confirmed COVID cases sa hanay ng OFWs ang pawang gumaling.