Mahigit 30,000 pasahero bumiyahe sa mga pantalan sa bansa ayon Coast Guard
Mayroong halos 2,000 na mga tauhan ng Philippine Coast Guard na ipinakalat sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa.
Ito ay sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2021 ng Coast Guard.
Ayon sa monitoring ng PCG, mula alas 6 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali ng March 31 ay nasa 1,983 ang nakatalaga nilang mga tauhan.
Mayroon namang na-monitor na bumiyaheng 17,847 outbound passengers at 13,321 inbound passengers.
Umabot sa 244 na barko at 336 motorbancas ang naisailalim sa inspeksyon ng Coast Guard.