Mahigit 3,000 pasahero stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong Dante
Mayroong 3,186 na mga pasahero ang stranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa Tropical Storm Dante.
Ipinagbawal kasi pansamantala ng Philippine Coast Guard ang paglalayag sa mga lugar na apektado ng bagyo.
Narito ang bilang ng mga pasahero, driver at helpers na stranded sa mga pantalan sa bawat apektadong rehiyon:
Eastern Visayas – 1,386
Central Visayas – 411
Southern Tagalog – 505
Bicol – 881
Northeastern Mindanao – 3
Ayon sa PCG sa iba’t ibang mga pantalan sa nasabing mga rehiyon ay mayroon 240 na barko na stranded, 68 motorbancas at 586 na rolling cargoes.
Mayroon ding 60 barko at 45 na motorbancas na pansamantalang nagkanlong.