Mahigit 3,000 pasahero stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong Dante
Mayroong mahigit 3,000 mga pasahero ang stranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa Tropical Storm Dante.
Ipinagbawal kasi pansamantala ng Philippine Coast Guard ang paglalayag sa mga lugar na apektado ng bagyo.
Narito ang bilang ng mga pasahero, driver at helpers na stranded sa mga pantalan sa bawat apektadong rehiyon:
Eastern Visayas – 1,433
Central Visayas – 411
Southern Tagalog – 325
Northeastern Mindanao – 44
Bicol – 794
Ayon sa PCG sa iba’t ibang mga pantalan sa nasabing mga rehiyon ay mayroon 73 barko na stranded, 3 motorbancas at 792 na rolling cargoes.
Mayroon ding 87 barkoa t 84 na motorbancas na pansamantalang nagkanlong.