Mahigit 3,000 outbound passengers bumiyahe sa mga pantalan simula kaninang madaling araw
Sa pagpapatuloy na monitoring ng Philippine Coast Guard sa ilalim ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2020, may mangilan-ngilang mga pasaherong naitatala na bumibiyahe sa mga pantalan.
Simula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga ngayong araw ng Miyerkules, Nov. 4 ay nakapagtala ng 3,287 na outbound passengers at 2,531 na inbound passengers.
Mayroong 1,673 naman na mga tauhan ng Coast Guard na nakakalat sa mga pantalan sa bansa.
Nakapagsagawa sila ng inspeksyon sa nasa 158 na mga barko at 56 na motorbancas.