Mahigit 3,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 19 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 3,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa magdamag .
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Biyernes (March 5), umabot na sa 587,704 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 3,045 na dagdag na mga kaso.
Ito ang pinakamataas na single-day tally ngayong 2021.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 535,207 ang gumaling o katumbas ng 91.1 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 178 na gumaling.
40,074 naman ang active cases o katumbas ng 6.8 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 19 pang pumanaw sa sakit.
12,423 ang kabuuang death toll sa bansa o 2.11 percent.