Mahigit 25,000 nabakunahan na sa Quezon City
Umabot na sa 25,481 ang bilang ng mga indbidwal na nabakunahan sa Quezon City laban sa COVID-19.
Ayon sa update mula sa QC LGU, umabot na sa 285 na healthcare workers mula QC General Hospital ang tumanggap na ng second dose ng bakuna.
Patuloy pa ang pagbabakuna sa lungsod para sa mga napapabilang sa sumusunod na priority groups:
A1 – Frontline Healthcare Workers
A3 – Persons age18-59 y/o with controlled comorbidities such as chronic respiratory disease, hypertension, cardiovascular disease, chronic kidney disease, cerebrovascular disease, malignancy, diabetes, obesity, chronic liver disease, neurologic disease, and immunodeficiency state
Sa nga nais na magpabakuna, maaring magparehistro na sa https://app.ezconsult.io/signup (as patient).