Mahigit 2,400 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 15 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 2,400 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa magdamag .
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Huwebes (March 4), umabot na sa 584,667 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 2,452 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 535,037 ang gumaling o katumbas ng 91.5 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 266 na gumaling.
37,226 naman ang active cases o katumbas ng 6.4 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 15 pang pumanaw sa sakit.
12,404 ang kabuuang death toll sa bansa o 2.12 percent.