Mahigit 23.5M na mag-aaral nakapag-enroll na para sa SY 2020-2021
Umabot na sa mahigit 23.5 million na mga mag-aaral ang nakapag-enroll na para sa SY 2020-2021.
Sa datos mula sa Department of Education (DepEd) 23,548,214 na mga mag-aaral na ang nakapagpa-enroll.
Sa nasabing bilang 21,760,794 ang nagpatala sa mga pampublikong paaralan.
1.74 million naman ang nagpa-enroll sa private schools.
Malaking bilang ng enrollees ay sa elementarya na umabot sa 11,448,961.
May nagpa-enroll din na 7,419,059 para sa junior high school habang 2,612,786 sa senior high school.
Madaragdagan pa ang bilang ng enrollees dahil patuloy pa ang enrollment sa ilang pribadong paaralan.