Mahigit 22,000 bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH
Nakapagtala ng mahigit 22,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes, Sept. 9 ay umabot na sa 2,161,892 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 22,820 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,960,487 ang gumaling o katumbas ng 90.7 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 12,337 na gumaling.
166,672 naman ang active cases o katumbas ng 7.7 percent.
Nasa 34,733 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.61 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 61 pang nasawi.