Mahigit 2,200 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 95 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 2,200 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Miyerkules (Enero 27), umabot na sa 518,407 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 2,245 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 475,542 ang gumaling o katumbas ng 91.7 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 140 na gumaling.
32,384 naman ang active cases o katumbas ng 6.2 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 95 pang pumanaw sa sakit.
10,481 ang kabuuang death toll sa bansa o 2.02 percent.
Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng may pinakamaraming bagong kaso ang mga sumusunod:
Baguio City – 121
Cebu City – 121
Davao City – 102
Quezon City – 87
Pangasinan – 81 (D. Cargullo)