Mahigit 2,200 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH; 6 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 2,200 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa magdamag.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Lunes (Pebrero 22), umabot na sa 563,456 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 2,288 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 522,874 ang gumaling o katumbas ng 92.8 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 33 pa na gumaling.
28,488 naman ang active cases o katumbas ng 5.1 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 6 pang pumanaw sa sakit.
12,094 ang kabuuang death toll sa bansa o 2.15 percent.