Mahigit 21.1 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19
Umabot na sa mahigit 21.1 million ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.
Batay sa National COVID-19 Vaccination Dashboard na iprinisinta ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kaniyang virtual press briefing, umabot na sa 45,147,577 ang total vaccine administered sa bansa.
Sa nasabing bilang, 24,044,260 ang nabakunahan na ng first dose at 21,103,317 sa kanila ang fully-vaccinated na.
Kabilang sa mga itinuturing na fully-vaccinated ang mga tumanggap ng single dose na bakuna ng Janssen.
Inanunsyo din ni Roque na bukas, araw ng Biyernes (Oct. 1) ay mayroon pang darating na dagdag na suplay ng mga bakuna.
Ani Roque, mayroong 883,350 doses ng Pfizer vaccine ang darating sa bansa galing Covax Facility.
Habang 2.5 million naman ng Sinovac doses ang parating din. (DDC)