Mahigit 2,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 20 pa ang pumanaw

Mahigit 2,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 20 pa ang pumanaw

Sumampa muli sa mahigit 2,000 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.

Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Biyernes (Enero 22), umabot na sa 509,887 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay makaraang makapagtala ng 2,178 na dagdag na mga kaso.

Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 467,9720 ang gumaling o katumbas ng 91.7 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 250 na gumaling.

32,031 naman ang active cases o katumbas ng 6.3 percent.

Habang nakapagtala pa ng dagdag na 20 pang pumanaw sa sakit.

10,136 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.99 percent.

Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng may pinakamaraming bagong kaso ang mga sumusunod:

Quezon City – 148
Davao City – 79
Bulacan – 88
Cebu City – 80
Mountain Province – 75 (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *