Mahigit 2,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 14 pa ang pumanaw
Sumampa muli sa mahigit 2,000 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Lunes (Enero 18), umabot na sa502,736 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 2,163 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 465,988 ang gumaling o katumbas ng 92.7 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 2 na gumaling.
26,839 naman ang active cases o katumbas ng 5.3 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 14 pang pumanaw sa sakit.
9,909 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.97 percent.
Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng may pinakamaraming bagong kaso ang mga sumusunod:
Davao City – 134
Cagayan – 100
Quezon City – 99
Leyte – 93
Cavite – 75 (D. Cargullo)