Mahigit 2,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 137 pa ang pumanaw

Mahigit 2,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 137 pa ang pumanaw

Sumampa muli sa mahigit 2,000 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.

Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Biyernes (Enero 15), umabot na sa 496,646 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay makaraang makapagtala ng 2,048 na dagdag na mga kaso.

Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 459,737 ang gumaling o katumbas ng 92.6 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 551 na gumaling.

27,033 naman ang active cases o katumbas ng 5.4 percent.

Habang nakapagtala pa ng dagdag na 137 pang pumanaw sa sakit.

9,876 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.99 percent.

Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng may pinakamaraming bagong kaso ang mga sumusunod:

Bulacan – 98
Davao City – 89
Pangasinan – 84
Manila City – 80
Leyte – 73 (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *