Mahigit 2,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH; 4 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 2,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa magdamag.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Lunes (March 1), umabot na sa 578,381 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 2,037 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 534,351 ang gumaling o katumbas ng 92.4 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 86 pa na gumaling.
31,708 naman ang active cases o katumbas ng 5.5 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 4 pang pumanaw sa sakit.
12,322 ang kabuuang death toll sa bansa o 2.13 percent.