Mahigit 200 medical frontliners ng St. Luke’s Medical Center tumanggap ng bakuna kontra COVID-19
Mayroong mahigit 200 medical frontliners ng St. Luke’s Medical Center Quezon City at Global City ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Kabilang sa mga tumanggap ng bakuna ang kanilang Presidente at CEO na si Dr. Arturo De La Peña.
Sinaksihan ni Health Secretary Francisco Duque III, Pandemic National Action Chief Implementer Sec. Carlito Galvez Jr., Cabinet Secretary Karlo Norgrales ang pagbabakuna sa mga medical frontliner ng ospital.