Mahigit 1,900 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 40 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng 1,912 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nakalipas na magdamag.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Huwebes (Enero 14), umabot na sa 494,605 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa nasabing bilang, 459,252 ang gumaling o katumbas ng 92.9 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 746 na gumaling.
25,614 naman ang active cases o katumbas ng 5.2 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 40 pang pumanaw sa sakit.
9,739 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.97 percent.
Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng may pinakamaraming bagong kaso ang mga sumusunod:
Davao City – 136
Quezon City – 107
Agusan Del Sur – 61
Dagupan City – 57
Cavite – 54 (D. Cargullo)