Mahigit 181,000 katao naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Auring
Umabot sa mahigit 49,000 na pamilya o katumabs ng mahigit 181,000 na katao ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Auring sa Regions V, VIII, X, XI at Caraga.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, sa nasabing bilang 17,982 na pamilya o 67,123 na katao ang nasa mga evacuation centers.
Mayroon namang 5,377 na pamilya o 20,519 na katao ang pansamantalang nanuluyan sa kanilang kaanak.
Isa naman ang naitalang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyo habang dalawa ang sugatan.
Mayroon namang apat pang nawawala.