Mahigit 1,800 stranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa Typhoon Quinta
Mayroong 1,839 na stranded sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Bicol, Central, Western at Eastern Visayas.
Sa ulat ng coast guard, hanggang alas 4:00 ng madaling araw ngayong Lunes, October 26, 2020, mayroon ding stranded na 929 rolling cargoes; 44 vessels; at 14 na motorbancas.
Mayroon ding 125 na barko at 58 motorbancas ang pansamantalang nagkanlong dahil sa malakas na hangin at alon na dulot ng Typhoon Quinta.
Ang PCG Command Center ay 24/7 na naka-monitor sa buong bansa para ipatupad ang alituntunin sa pagbabawal sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat sa mga lugar na apektado ng sama ng panahon.