Mahigit 1,800 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 64 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 1,800 na bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Miyerkules (Enero 20), umabot na sa 505,939 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 1,862 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 466,993 ang gumaling o katumbas ng 92.3 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 765 na gumaling.
28,904 naman ang active cases o katumbas ng 5.7 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 64 pang pumanaw sa sakit.
10,042 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.98 percent.
Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng may pinakamaraming bagong kaso ang mga sumusunod:
Zamboanga City – 206
Davao City – 109
Kalinga – 102
Quezon City – 77
Benguet – 74 (D. Cargullo)