Mahigit 1,700 na pasahero hindi napasakay sa mga tren sa unang araw ng pag-iral ng “No Vaccine, No Ride” policy

Mahigit 1,700 na pasahero hindi napasakay sa mga tren sa unang araw ng pag-iral ng “No Vaccine, No Ride” policy

Mahigit 1,700 na pasahero ang hindi pinasakay sa mga railways sa unang araw ng pagpapatupad ng “No Vaccine, No Ride” policy ng Department of Transportation (DOTr).

Sa datos na inilabas ng DOTr, maayos naman ang unang araw ng pagpapatupad ng polisya at sumunod sa alituntunin ang mga pasahero.

Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade, 1,749 na commuters ang hindi napasakay sa mga railways dahil wala silang naipakitang vaccination card.

Sa Philippine National Railways, 8 ang pasaherong hindi napasakay, sa MRT-3 ay 1,204, sa LRT-2 ay 136 at sa LRT-1 ay 401.

Ang mga pasahero ay binigayan lamang ng warning sa unang araw ng pagpapatupad ng polisiya.

Epektibo ang “No Vaccine No Ride” policy habang umiiral ang COVID-19 Alert Level 3. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *