Mahigit 1,700 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 74 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 1,700 na bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Huwebes (Enero 21), umabot na sa 507,717 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 1,783 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 467,475 ang gumaling o katumbas ng 92.1 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 500 na gumaling.
30,126 naman ang active cases o katumbas ng 5.9 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 74 pang pumanaw sa sakit.
10,116 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.99 percent.
Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng may pinakamaraming bagong kaso ang mga sumusunod:
Quezon City – 99
Rizal – 83
City of Manila – 78
Bulacan – 69
Cavite – 68 (D. Cargullo)