Mahigit 1,600 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 52 pa ang nasawi
Nakapagtala ng mahigit 1,600 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa magdamag.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Lunes (Pebrero 8), umabot na sa 538,995 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 1,690 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 499,772 ang gumaling o katumbas ng 92.7 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 23 pa na gumaling.
27,992 naman ang active cases o katumbas ng 5.2 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 52 pang pumanaw sa sakit.
11,231 ang kabuuang death toll sa bansa o 2.08 percent.