Mahigit 1,500 stranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa Typhoon Odette

Mahigit 1,500 stranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa Typhoon Odette

Umabot na sa 1,502 na mga pasahero, drivers at cargo helpers ang stranded sa mga pantalan sa mga lugar na apektado na ng Typhoon Odette.

Ayon sa datos mula sa Philippine Coast Guard, mayroon ding 813 na rolling cargoes at 10 barko ang stranded at hindi pinapayagang makabiyahe sa mga pantalan sa Bicol, North Eastern Midnanao, at Eastern Visayas.

Pinakamaraming naitalang stranded sa mga pantalan sa Eastern Visayas na umabot sa 755 na katao, 413 rolling cargoes at 9 na mga barko.

Sa Port of Matnog sa Sorsogon, 627 na mga pasahero, drivers at helpers ang stranded at 336 na rolling cargoes.

Habang sa mga pantalan sa North Eastern Mindanao, umabot sa 120 na katao ang stranded, 64 na rolling cargoes at 1 barko.

Patuloy na magbabantay ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa mga lugar na apektado ng bagyong Odette. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *