Mahigit 1,500 na mga pasahero, stranded na sa mga pantalan sa bansa
Umabot na sa mahigit 1,500 na mga pasahero ang stranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa Typhoon Rolly.
Ayon sa Phillippine Coast Guard (PCG), 1,584 na pasahero, truck drivers, at cargo helpers na ang stranded.
Mayroon dig 456 vessels; 7 motorbancas; at 344 rolling cargoes na stranded sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Bicol, at Eastern Visayas.
Mayroon ding 167 na barko at 47 motorbancas ang pansamantalang nagkakanlong.
Ang PCG Command Center ay 24/7 na nagbabantay sa mga pantalan sa bansa para masigurong walang makapaglalayag ngayong may banta ng Typhoon Rolly.