Mahigit 1,500 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 55 pa ang nasawi
Nakapagtala ng mahigit 1,500 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa magdamag.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Huwebes (Pebrero 4), umabot na sa 531,699 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 1,590 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 487,927 ang gumaling o katumbas ng 91.8 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 249 pa na gumaling.
32,775 naman ang active cases o katumbas ng 6.2 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 55 pang pumanaw sa sakit.
10,997 ang kabuuang death toll sa bansa o 2.07 percent.