Mahigit 1,500 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 50 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 1,500 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Lunes (Enero 25), umabot na sa 514,996 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 1,581 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 475,422 ang gumaling o katumbas ng 92.3 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 13 na gumaling.
29,282 naman ang active cases o katumbas ng 5.7 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 50 pang pumanaw sa sakit.
10,292 ang kabuuang death toll sa bansa o 2 percent.
Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng may pinakamaraming bagong kaso ang mga sumusunod:
Quezon City – 89
Cebu City – 88
Cavite – 80
Davao City – 78
Bulacan – 88
Cebu – 50 (D. Cargullo)