Mahigit 1,500 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 139 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng 1,524 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nakalipas na magdamag.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Martes (Enero 12), umabot na sa 491,258 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa nasabing bilang, 458,172 ang gumaling o katumbas ng 93.3 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 44 na gumaling.
23,532 naman ang active cases o katumbas ng 4.8 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 139 pang pumanaw sa sakit.
9,554 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.94 percent. (D. Cargullo)