Mahigit 1,500 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH; 22 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 1,500 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa magdamag.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Miyerkules (Pebrero 24), umabot na sa 566,420 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 1,557 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 523,321 ang gumaling o katumbas ng 92.4 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 392 pa na gumaling.
30,970 naman ang active cases o katumbas ng 5.5 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 22 pang pumanaw sa sakit.
12,129 ang kabuuang death toll sa bansa o 2.14 percent.