Mahigit 1,400 na tauhan ng Coast Guard ipinakalat sa mga pantalan
Mayroong mahigit 1,400 na mga tauhan ng Philippine Coast Guard na ipinakalat sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa.
Ito ay sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2021 ng Coast Guard.
Ayon sa monitoring ng PCG, mula alas 12 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga ng March28 ay nasa 1,425 ang nakatalaga nilang mga tauhan.
Mayroon namang na-monitor na bumiyaheng 2,379 outbound passengers at 1,717 inbound passengers.
Umabot sa 85 barko at 22 motorbancas ang naisailalim sa inspeksyon ng Coast Guard.