Mahigit 1,300 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 69 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 1,300 na bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Martes (Enero 19), umabot na sa 504,084 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 1,357 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 466,249 ang gumaling o katumbas ng 92.5 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 324 na gumaling.
27,857 naman ang active cases o katumbas ng 5.5 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 69 pang pumanaw sa sakit.
9,978 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.98 percent.
Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng may pinakamaraming bagong kaso ang mga sumusunod:
Davao City – 130
Rizal – 71
Quezon City – 66
Pampanga – 54
Benguet – 52 (D. Cargullo)