Mahigit 13.1 milyon na katao nakatanggap na ng 2nd tranche ng SAP
Umabot na sa mahigit P78 billion ang halaga ng naipamahaging 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).
Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), hanggang araw ng Huwebes, August 20, 2020 ay umabot na sa P78.4 bilyon ang halaga ng na-disburse na pondo para sa 2nd tranche ng SAP.
Ang nasabing halaga ay naipamahagi sa 13,147,805 na pamilyang benepisyaryo.
Una nang sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista na batay sa mga aral na natutunan sa unang pamamahagi ng SAP ay inayos ng ahensya ang sistema.
Kabilang sa pagbabago ay ang pagkakaroon na ng digital payment sa pamamahagi ng SAP. / END