Mahigit 1,200 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 65 pa ang nasawi
Nakapagtala ng mahigit 1,200 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa magdamag.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Martes (Pebrero 9), umabot na sa 540,227 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 1,235 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 499,764 ang gumaling o katumbas ng 92.5 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 53 pa na gumaling.
29,167 naman ang active cases o katumbas ng 5.4 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 65 pang pumanaw sa sakit.
11,296 ang kabuuang death toll sa bansa o 2.09 percent.