Mahigit 1,100 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 71 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 1,100 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Huwebes (Enero 28), umabot na sa 519,575 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 1,169 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 475,596 ang gumaling o katumbas ng 91.5 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 60 na gumaling.
33,427 naman ang active cases o katumbas ng 6.4 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 71 pang pumanaw sa sakit.
10,552 ang kabuuang death toll sa bansa o 2.03 percent.
Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng may pinakamaraming bagong kaso ang mga sumusunod:
Quezon City – 57
Isabela – 54
City of Manila – 42
Davao City – 42
Rizal – 42 (D. Cargullo)