Mahigit 1,100 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 94 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 1,100 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Martes (Enero 26), umabot na sa 516,166 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 1,173 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 475,423 ang gumaling o katumbas ng 92.1 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 18 na gumaling.
30,357 naman ang active cases o katumbas ng 5.9 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 94 pang pumanaw sa sakit.
10,386 ang kabuuang death toll sa bansa o 2.01 percent.
Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng may pinakamaraming bagong kaso ang mga sumusunod:
Cebu City – 84
Davao City – 67
Cavite – 51
Quezon City – 47
Rizal – 41 (D. Cargullo)