Mahigit 1,100 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 53 pa ang nasawi
Nakapagtala ng mahigit 1,100 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa magdamag.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Miyerkules (Pebrero 17), umabot na sa 553,424 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 1,184 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 512,033 ang gumaling o katumbas ng 92.5 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 271 pa na gumaling.
29,814 naman ang active cases o katumbas ng 5.4 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 53 pang pumanaw sa sakit.
11,577 ang kabuuang death toll sa bansa o 2.09 percent.