Mahigit 11.2 milyon na katao nakatanggap na ng 2nd tranche ng SAP

Mahigit 11.2 milyon na katao nakatanggap na ng 2nd tranche ng SAP

Umabot na sa mahigit P70 billion ang halaga ng naipamahaging 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), hanggang araw ng Linggo, August 9, 2020 ay umabot na sa P73 bilyon ang halaga ng na-disburse na pondo para sa 2nd tranche ng SAP.

Ang nasabing halaga ay naipamahagi sa 11,263,716 na pamilyang benepisyaryo.

Una nang sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista na batay sa mga aral na natutunan sa unang pamamahagi ng SAP ay inayos ng ahensya ang sistema.

Kabilang sa pagbabago ay ang pagkakaroon na ng digital payment sa pamamahagi ng SAP. / END

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *