Mahigit 1,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 2 pa ang nasawi
Nakapagtala ng mahigit 1,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa magdamag.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Lunes (Pebrero 15), umabot na sa 550,860 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 1,024 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 511,755 ang gumaling o katumbas ng 92.9 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 14 pa na gumaling.
27,588 naman ang active cases o katumbas ng 5.0 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 2 pang pumanaw sa sakit.
11,517 ang kabuuang death toll sa bansa o 2.09 percent.