Mahigit 1,000 healthcare workers sa Maynila nabakunahan na kontra COVID-19
Umabot na sa 1,034 ang bilang ng mga healthcare workers sa Maynila na nabakunahan kontra COVID-19.
Base ito sa pinakahuling datos ng Manila Health Department (MHD) hanggang noong Huwebes (March 4) ng hapon.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, umabot sa 153 na mga inidibidwal ang nabakunahan noong March 2, pumalo naman sa 346 healthcare workers ang nabigyan ng bakuna noong March 3 at 535 naman noong March 4.
Ngayong araw, March 5 ay magpapatuloy ang vaccination rollout sa lungsod.