Mahigit 450 na bahay natupok sa sunog na naganap sa Davao City
(UPDATE) Umabot sa 456 na mga bahay na pawang gawa sa light materials ang natupok sa sunog na naganap R. Castillo, Agdao, Davao City noong Martes (March 9).
Ang nasunog na mga bahay ay nasa bahagi ng coastal area.
Nagsimula ang sunog alas 3:00 ng hapon at nakideklarang fire out makalipas ang dalawang oras.
Tumulong ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard South Eastern Mindanao District upang mabilis na mailikas ang mga residente.
Tumulong rin sa evacuation ang mga volunteer ng PCG Auxiliary 811st Squadron.
ERRATUM: Ayon sa pinakahuling tala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Davao City ngayong umaga, ika-10 ng Marso 2020, 456 NA BAHAY ang natupok ng sunog, at hindi 1,070 base sa naunang ulat.
Maraming salamat po.
— Philippine Coast Guard (@coastguardph) March 10, 2021