Mahigit 10.6B na halaga ng smuggled na mga produkto nakumpiska ng BOC noong nagdaang taon
Umabot sa mahigit P10.6 Billion ang halaga ng mga smuggled goods na nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) noong nagdaang taong 2020.
Sa datos ng BOC, umabot sa 997 ang seizures mula January 2020 hanggang December 2020.
Pinakamaraming nakumpiska ay mga imported na sigarilyo at tobacco products topped na umabot sa 204 seizure cases na nasa P5.774 billion ang halaga.
Sumunod naman sa listahan ang mga nakumpiskang P1.855 billion na halaga ng of ilegal na droga.
Nakakumpiska din ang BOC ng P32.585 million na halaga ng undeclared foreign currencies.
Kasama sa iba pang nakumpiska ay mga smuggled personal protective equipment, medical supplies, at cosmetics; general merchandise, automobile accessories, at agricultural products.
Simula January 1 hanggang December 31 ay umabot sa 126 ang kasong naihain ng Customs kaugnay sa mga nakukumpiskang kontrabando. (D. Cargullo)