Mahigit 10.3 milyon nakatanggap na ng 2nd tranche ng SAP

Mahigit 10.3 milyon nakatanggap na ng 2nd tranche ng SAP

Umabot na sa halos P67 billion ang halaga ng naipamahaging 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), hanggang araw ng Sabado, August 8, 2020 ay umabot na sa P66.9 bilyon ang halaga ng na-disburse na pondo para sa 2nd tranche ng SAP.

Ang nasabing halaga ay naipamahagi sa 10,309,854 na pamilyang benepisyaryo.

Una nang sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista na batay sa mga aral na natutunan sa unang pamamahagi ng SAP ay inayos ng ahensya ang sistema.

Kabilang sa pagbabago ay ang pagkakaroon na ng digital payment sa pamamahagi ng SAP.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *