Mahigit 1 milyong doses ng Astrazeneca vaccines dumating sa bansa
Kabuuang 1,124,100 doses ng Astrazeneca Vaccines na donasyon ng Japan ang dumating sa bansa Huwebes (July 8) ng gabi.
Lumapag ang shipment sa Villamor Air Base, sa Pasay City.
Dumalo sa ceremonial turnover si Pangulong Rodrigo Duterte, kasama ang mga opisyal ng Japanese Embassy, National Task Force Against Covid-19 (NTF) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) Executives.
Nagpasalamat si Pangulong Duterte sa gobyerno ng Japan at kay Prime Minister Yoshihide Suga para sa nasabing donasyon.
Ayon sa pagngulo, patunay ito ng matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa at patuloy na kooperasyon upang labanam ang COVID-19. (Infinite Radio Calbayog)