Magsaysay, Davao del Sur niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Magsaysay, Davao del Sur niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Davao del Sur.

Ang pagyanig ay naitala ng PHIVOLCS sa layong 4 kilometers southeast ng bayan ng Magsaysay alas 9:03 ng gabi ng Miyerkules (February 17).

17 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.

Naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity IV – Magsaysay, Matanao and Digos City, Davao Del Sur; Davao City; Malungon, Sarangani
Intensity III – Santa Cruz, Davao Del Sur; Kidapawan City; Koronadal City, Tampakan and Tupi, South Cotabato; Alabel, Sarangani
Intensity II – Columbio, Sultan Kudarat, Bagumbayan and Isulan, Sultan Kudarat; Norala, Surallah and Lake Sebu, South Cotabato; General Santos City;
Malapatan, Sarangani
Intensity I – Magpet and Arakan, North Cotabato; Kiamba and Maasim, Sarangani

Ayon sa PHIVOLCS, aftershock ito ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa bayan ng Magsaysay noong February 7.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *