Magnitude 8.1 na lindol tumama sa New Zealand
Tumama ang malakas na magnitude 8.1 na lindol sa New Zealand Biyernes (March 5) ng umaga.
Ang epicenter ng pagyanig ay sa bahagi ng Kermadec Islands region.
Dahil sa malakas na lindol nagpalabas ng “tsunami watch” sa Hawaii at sa tsunami warning sa American Samoa.
Pinayuhan ang mga residente na malapit sa pampang na agad lumikas sa mas mataas na lugar.
Ang nasabing pagyanig ang pinakamalakas na naitala sa mundo simula noong August 2018 nang maitala ang 8.2-magnitude quake sa South Pacific, malapit sa Fiji.