Magnitude 6.4 na lindol tumama sa Davao Occidental
Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Sa datos na nakalap ng Radyo INQUIRER mula sa Phivolcs ang pagyanig ay sa naitala sa layong 26 kilometers southeast ng bayan ng Don Marcelino alas 11:23 ng gabi ng Linggo, Sept. 6.
May lalim na 143 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V – General Santos Cityat Mati City
Intensity IV – Magsaysay, Davao del Sur at Koronadal City
Intensity III – Kidapawan City
Ayon sa Phivolcs maaaring magdulot ng aftershocks ang naturang pagyanig.